ANO?
• Ang pag-ibig ay higit sa kahit anumang bagay. Hindi ito nag-aasal ng hindi tama. At kapag umibig ka, lagi kang naghahangad ng mabuti para sa minamahal mo.
PAANO?
• Kapag nakita natin ang mga magaganda at pangit na katangian ng isang tao, magagawa nating tanggapin siya ng buong-buo ng maluwag sa ating puso. Magagawa nating magtiis kahit tayo ay nasasaktan.
BAKIT?
• Dahil ang unang-una na katangian ng ating Diyos ay pag-ibig.
LAYUNIN?
• Pinaka-unang layunin nito ay ang kabutihan. Dahil kapag may pag-ibig sa puso ng bawat isa, ito ang nagtutulak sa atin na gumawa ng mabuti nang walang hinihinging kapalit.
SINO?
• Ang lahat ng nabubuhay sa mundo; mapa-tao, hayop, halaman ay nangangailangan ng pag-ibig, dahil tayo ay disenyo na nabubuhay para umibig at ibigin.
KAHALAGAHAN?
• Napakahalaga nito, sapagkat kung wala ito, talagang napakahirap mabuhay, dahil naniniwala ako na ang tao ay nabubuhay sa pag-ibig na nakukuha niya mula sa taong tunay na nagmamahal sa kanya; ang ating Panginoon.