Lunes, Pebrero 6, 2012

"Awdisyon"

     Ako si Alyssa. Mahilig akong kumanta at sumayaw. Nais kong sundan ang ang yapak ni Sarah Geronimo. Gustong-gusto ko siyang gayahin. Isa lang ang hinahangad ko, ang siya'y matuntong at makausap. Susundin ko ang kanyang mga payo pagdating sa pagtatanghal sa intablado.
     Noong nakaraang taon ay nakita ko si Sarah sa telebisyon na umiiyak, at damang-dama ko ang sakit. Hiniling ko na sana malapitan ko siya at papahirin ko ang mga luha sa kanyang mga mata.
     Isang araw may palabas sa telebisyon na magkakaroon raw ng awdisyon sa pagkanta. Sinabi ng aking tiyukin na nararapat kong subukin kasi daan ito upang ako'y sumikat.
     Kinabukasan, inayos ko ang mga dapat kong dalhin sa araw ng awdisyon. Pinahiran ko ang "Kiwi" ang aking itim nah sandalyas.
     Nang dumating ang araw ng awdisyon ay iniwan ko ang aking kapatid na si Annie sa aking tiyuhin. Ayaw na ayaw niyang magpaiwan ngunit umalis na ako.
     Pagkatapos ng awdisyon, nang papauwi na ako, biglang bumilis ang tibok ng aking puso at nang malapit na ako sa aming bahay, napansin kong maraming tao sa tapat ng aming bahay. Sinalubong ako ni Martha at sinabing sinaksak ang aking kapatid at pinagsamantalahan siya ng aking tiyuhin.
     Nakita ko ang tunton ng kanyang dugo sa sahig. Hindi ko mapigilang humagulgol sa pag-iyak at sinisi ang aking sarili kung bakit ko hinayaan na iwanan siya kasama ang aking tiyuhin.
     Sa Ospital, sinabi ng doktor na kinakailangang operahan ang aking kapatid. Napakalalim ng kanyang sugat sa tagiliran at kinakailangan itong operahin.
     Naisip ko na dahil sa kagustuhan kong sumikat ay napahamak ang aking minamahal. Lubos ko itong pinagsisihan.

Sabado, Enero 21, 2012

Paggamit ng Kung, Kong, May at Mayroon sa isang pangungusap

Kung
1. Kung mawawala ka, hindi ko makakayang harapin ang bukas ng nag-iisa.
2. Ibibigay ko lahat, kung mamahalin mo lang ako.
3. Kung ikaw ang papipiliin, siya o ako?
4. Magagawa mo ang lahat ng gusto mo kung magtitiwala ka lang sa sarili mo.
5. Lubos mong maiintindihan ang lahat kung pakikinggan mo lang ang mga paliwanag ko.

Kong
1. Si Russy ang pinakamamahal kong pusa.
2. Ikaw ang pinili kong mahalin.
3. Napagdesisyunan kong si Jan Mark ang kakanta sa seremonya ng kasal bukas.
4. Alam kong magagawa mo nang tama ang iniutos ng ating guro.
5. Ikaw ang pinakagusto kong makasama buong araw.

May
1. May nakita ka bang kwaderno kahapon sa ating silid-aralan?
2. Sana may pag-asa pa ako sayo.
3. Pagdating sa pag-ibig ay may kanya-kanya silang pananaw.
4. Si Annie at Jay ay may nakitang multo sa loob ng kanilang silid-aralan.
5. May magagawa ba ako kung siya ang pinili mo?

Mayroon
1. Mayroon akong kakayahan sa paggawa ng damit.
2. Nahihiyang ligawan ni Louie si Tifanny dahil mayroon ito.
3. Mayroon pang pag-asa si Richard upang makuha ang pag-ibig ni Angie.
4. Ipagmamalaki siya nang kanyang kasintahan kung mayroon lang siya.
5. Ipapasyal kita sa Singapore at Hongkong kung mayroon lang ako.

Paggamit ng NANG/NG sa isang pangungusap

Pangatnig
1. Nang umulan, ako ay sumilong.
2. Ako ay natawa nang sumayaw si Pokwang.
3. Binuksan ni Rochelle ang payong nang umulan.
4. Sumigaw si Benjie nang siya'y tinuli.
5. Ako ay naligo nang bumuhos ang ulan.

Inuulit
1. Tawa nang tawa si Marie.
2. Ulit nang ulit si Jason sa pagkanta ng Pambansang Awit.
3. Lakad nang lakad si Archie habang nag-mememorya ng tula.
4. Sayaw nang sayaw si Jenny tuwing nakakarinig ng tugtog.
5. Sulat nang sulat si Annie sa kanyang kwaderno.

Pandiwang Panuring
1. Ako ay pumasok nang maaga sa paaralan. (Pang-abay)
2. Ako ay kumuha nang baso sa kusina. (Pangngalan)
3. Tumakbo nang malayo si Armando upang makaiwas sa gulo. (Pang-uri)
4. Ako'y tumawa nang sila ay sumayaw.(Panghalip)
5. Naligo nang maaga si Remie. (Pang-abay)

Linggo, Disyembre 11, 2011

PAG-IBIG

ANO?
Ang pag-ibig ay higit sa kahit anumang bagay. Hindi ito nag-aasal ng hindi tama. At kapag umibig ka, lagi kang naghahangad ng mabuti para sa minamahal mo.

PAANO?
Kapag nakita natin ang mga magaganda at pangit na katangian ng isang tao, magagawa nating tanggapin siya ng buong-buo ng maluwag sa ating puso. Magagawa nating magtiis kahit tayo ay nasasaktan.

BAKIT?
Dahil ang unang-una na katangian ng ating Diyos ay pag-ibig.

LAYUNIN?
Pinaka-unang layunin nito ay ang kabutihan. Dahil kapag may pag-ibig sa puso ng bawat isa, ito ang nagtutulak sa atin na gumawa ng mabuti nang walang hinihinging kapalit.

SINO?
Ang lahat ng nabubuhay sa mundo; mapa-tao, hayop, halaman ay nangangailangan ng pag-ibig, dahil tayo ay disenyo na nabubuhay para umibig at ibigin.

KAHALAGAHAN?
Napakahalaga nito, sapagkat kung wala ito, talagang napakahirap mabuhay, dahil naniniwala ako na ang tao ay nabubuhay sa pag-ibig na nakukuha niya mula sa taong tunay na nagmamahal sa kanya; ang ating Panginoon.