Ako si Alyssa. Mahilig akong kumanta at sumayaw. Nais kong sundan ang ang yapak ni Sarah Geronimo. Gustong-gusto ko siyang gayahin. Isa lang ang hinahangad ko, ang siya'y matuntong at makausap. Susundin ko ang kanyang mga payo pagdating sa pagtatanghal sa intablado.
Noong nakaraang taon ay nakita ko si Sarah sa telebisyon na umiiyak, at damang-dama ko ang sakit. Hiniling ko na sana malapitan ko siya at papahirin ko ang mga luha sa kanyang mga mata.
Isang araw may palabas sa telebisyon na magkakaroon raw ng awdisyon sa pagkanta. Sinabi ng aking tiyukin na nararapat kong subukin kasi daan ito upang ako'y sumikat.
Kinabukasan, inayos ko ang mga dapat kong dalhin sa araw ng awdisyon. Pinahiran ko ang "Kiwi" ang aking itim nah sandalyas.
Nang dumating ang araw ng awdisyon ay iniwan ko ang aking kapatid na si Annie sa aking tiyuhin. Ayaw na ayaw niyang magpaiwan ngunit umalis na ako.
Pagkatapos ng awdisyon, nang papauwi na ako, biglang bumilis ang tibok ng aking puso at nang malapit na ako sa aming bahay, napansin kong maraming tao sa tapat ng aming bahay. Sinalubong ako ni Martha at sinabing sinaksak ang aking kapatid at pinagsamantalahan siya ng aking tiyuhin.
Nakita ko ang tunton ng kanyang dugo sa sahig. Hindi ko mapigilang humagulgol sa pag-iyak at sinisi ang aking sarili kung bakit ko hinayaan na iwanan siya kasama ang aking tiyuhin.
Sa Ospital, sinabi ng doktor na kinakailangang operahan ang aking kapatid. Napakalalim ng kanyang sugat sa tagiliran at kinakailangan itong operahin.
Naisip ko na dahil sa kagustuhan kong sumikat ay napahamak ang aking minamahal. Lubos ko itong pinagsisihan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento